Wednesday, November 27, 2013

Kuya Daniel Razon, nagdiriwang ng ika-30 taong kaarawan

Nagdiriwang ng ika-30 taong kaarawan ang kilala bilang Mr. Public Service na si Kuya Daniel Razon ngayong Nobyembre 28, Huwebes.

Kaugnay nito, sa halip na siya ang tumanggap ng regalo, nakatakdang magkaloob ng regalo ang Kuya Daniel Razon ng limang libong piso sa dalawampung pamilya para magamit nila sa kanilang pangkabuhayan. Taon-taon itong ginagawa ng Kuya Daniel Razon na ang layon ay makatulong sa mas marami nating kababayang nangangailangan.

Si Kuya Daniel Razon ang CEO ng UNTV at kilala sa mga public service na pinasimulan tulad ng Tulong Muna, Bago Balita, Clinic ni Kuya, Law Center ni Kuya, at marami pang iba. 

Sabi nga ng Kuya, "Ang paggawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama. Maaari natin itong simulan kahit isang araw lang."


Mula sa facebook.com/KuyaDanielRazon

Dumagsa ang pagbati sa Facebook at Twitter ng mga Kasangbahay para sa kanyang kaarawan. Gamit lamang ang hashtag na #KuyaDANIELat30, maaari nang maiparating ang pagbati kay Kuya Daniel Razon.

Maligayang kaarawan po, Kuya Daniel Razon! Maligayang ika-tatlumpung taon ng paglilingkod sa Dios! Nawa'y samahan at patnubayan kayong palagi ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment