Monday, February 23, 2015

Bread Society, nag-cheer ng #Nonoyparin bilang suporta sa Malacanang Patriots sa UNTV Cup 3


Muling ipinakita ng grupong Bread Society International (BRead) ang kanilang patuloy na suporta sa mga manlalaro ng Malacanang sa ginanap na UNTV Cup 3 eliminations round sa Ynares Sports Arena nitong ika-22 ng Pebrero 2015.

Hawak ang banner ng #Noynoyparin, nag-pose ang mga miyembro ng BRead para ipakita ang kanilang suporta, hindi lang sa larong basketball, kundi pati na rin sa kasalukuyang hinaharap ng Pangulong Noynoy Aquino.

Photo credit to the owner

Naging mainit ang labanan ng Malacanang Patriots sa AFP Cavaliers. Sa unang quarter ay naging malaki ang lamang ng Patriots ngunit madaling nakahabol ang Cavaliers hanggang sa pumantay na ang kanilang puntos. Kalaunan ay nalampasan ng Cavaliers ang Patriots ngunit ang mga tagasuporta ng Malacanang ay patuloy na sumisigaw ng "Noynoy pa rin!"


Hiyawan sa buong Ynares ang supporters ng Malacanang sa tuwing makaka-shoot ng bola ang Patriots. Muling nabuhayan ang Patriots at nakabawi. Hanggang sa mga huling minuto ay naging kapana-panabik ang laro dahilan sa dikit ang kanilang mga puntos. 

Mula sa facebook.com/UNTVCup

Natapos ang laro sa score na 79-75, pabor sa Malacanang Patriots. 

Maganda ang naging labanan ng dalawang koponan. Isang pagbati sa naiibang paglalaro ng AFP Cavaliers. Hindi naging madali sa Patriots para magwagi sa larong ito.

Photo credit to the owner

Kitang-kita sa mukha ng mga miyembro ng Bread Society o mga KaBread ang galak sa natamong tagumpay ng Malacanang. Sila rin ay mga solidong tagasuporta ng #Noynoyparin campaign sa Twitter sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano. 

Ang #Noynoyparin campaign ay para sa mga naiwang pamilya ng Gallant 44 o #SAF44. Ang naturang hashtag ay tumagal ng limang araw sa Philippines Trends.



Samantala, ang UNTV Cup ay ang kauna-unahang basketball league na pinagsama-sama ang iba't ibang ahensiya ng pamahalaan upang maglaro para sa kanilang napiling charitable institution. Ito ay pinasimulan din ni Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon sa layuning lalong makatulong sa marami nating kababayang nangangailangan.