Sunday, July 20, 2014

Diskriminasyong ginawa ng Sofitel Manila, naiparating sa buong mundo

Nagtrend worldwide ang mga hashtag na #NotoSofitelDay7 at #BoycottSofitelPHDay7 noong Sabado, ika-19 ng Hulyo, bandang 9:20 ng gabi.

Mas dumami pa ang naging taga-suporta ng UNTV sa iba't ibang bahagi ng bansa at buong mundo dahil sa ginawang discrimination ng Sofitel Manila.


Basahin ang buong istorya rito: Sofitel Manila's Discrimination of UNTV Story Goes Viral, #NotoSofitel Trends Worldwide

Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya ang Kuya Daniel Razon dahil sa pagtanggal ng UNTV sa program listing ng kanilang hotel at dito nagsimula ang Boycott Sofitel campaign Day 1.


Hindi lang UNTV

Kaugnay nito, nagbahagi ng kaniyang sariling karanasan Doc Sarah Barba sa diskriminasyong naranasan sa Sofitel Manila. Ayon kay Doc Sarah, hindi pinapasok ang kaniyang mga katulong sa isang buffet dahil nakasuot ang mga ito ng scrub suit samantalang ang mga ibang lahi na nakasuot lang ng shorts at sleeveless ay welcome na welcome.



Isang linggo na ang nakalipas

Isang linggo na ang nakalipas, patuloy pa rin ang sigaw laban sa ginawang discrimination ng Sofitel Manila sa UNTV at sa iba pang mga indibidwal.

Hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon na ginagawa ang management ng Sofitel Manila.

Kaya naman tuluy-tuloy pa rin ang pagtu-tweet ng mga Kasangbahay laban sa discrimination. Ngayon ay nasa ikawalong araw na, #NotoSofitelDay8 #BoycottSofitelPHDay8.

Tuesday, July 15, 2014

#NotoSofitel at #BoycottSofitelPH, trending sa Twitter

Nanawagan si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon kahapon, ika-14 ng Hulyo, sa programang Good Morning Kuya na 'wag nang pumunta sa Sofitel Manila dahil sa discrimination na ginawa nito sa UNTV 37.

Mahigit dalawampu't apat na oras nang trending sa Twitter ang mga hashtag na #NotoSofitel at #BoycottSofitelPH dahilan sa panawagang huwag tangkilikin ang Sofitel Manila.

Tinanggal ng management ng Sofitel sa kanilang program lineup ang UNTV at wala namang maayos na ibnigay na dahilan kung bakit nila ginawa ito.

2:39 ng hapon kahapon ay bumuhos ang mga hinaing at suporta ng mga Kasangbahay sa Twitter kaya nag-top sa Philippines Trends ang #NotoSofitel, pumangatlo naman ang #BoycottSofitelPH, at pumasok din sa pang-siyam na puwesto ang UNTV.


Mayroong tinatawag na "must carry" rule ang NTC sa lahat ng kasama sa UHF Channels kung saan kabilang ang UNTV. Kaya naman, hindi maaaring magdahilan ang Sofitel sa ginawa nilang aksyon. Isa itong uri ng discrimination dahil malinaw na may grupo silang pinaboran sa pagtanggal ng UNTV sa program listing.

Nabalitaan na ito ay naimpluwensiyahan ng isang religious organization kaya nila tinanggal ang UNTV.

Narito ang naging pahayag ni Kuya Daniel sa Good Morning Kuya:

Photo courtesy: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
"There are times na kailangan mo magsalita, kailangan mong sabihin ang karapatan mo. Hindi pwedeng lagi ka na lang magkikibit-balikat at magkakagat ng labi lalo na kung mayroon ng ibang mga taong naa-agrabyado." - Kuya Daniel Razon

Kaanlisabay nito ay tuluy-tuloy pa rin ang pagbaha ng tweets ng mga netizen dahil sa ginawang pang-aapi ng Sofitel.

Sustained boycott -- 'yan ang sigaw ng mga Kasangbahay hangga't hindi ibinabalik ng naturang hotel ang UNTV at mag-public apology sa ginawa nilang panghahamak sa istasyon.

No to discrimination. No to Sofitel.

Tuluy-tuloy lang ang pag-tweet na may kasamang hashtag na #NotoSofitel at #BoycottSofitelPH hangga't hindi pa umaaksyon ang management ng Sofitel sa pagkakamaling ginawa.


Thursday, April 17, 2014

2048 Game Life Lessons


Narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong matutunan sa paglalaro ng 2048 game:


  1. Kung malinaw sa iyo kung ano ang goal mo, kahit gaano man kahirap, makakarating ka rin sa pupuntahan mo.
  2. 'Yung feeling mo wala ng pag-asa, pero may iba pang paraan para ma-solve ang problema? Ang galing!
  3. Mahirap talaga sa umpisa pero 'wag lang agad susuko. Laban lang.
  4. 'Yung feeling na ang talino mo kasi nanalo ka at pinaghirapan mo talaga? Priceless!
  5. Kapag gusto mo, gagawin mo ang lahat para makamit ito.
  6. Magkakaroon ka ng kaibigan kasi pareho kayong tuwang-tuwa sa laro na ito at magkakaroon ka rin ng "kaaway" kasi nagpapagalingan kayo. Ang saya.
  7. Minsan, akala mo okay na pero may makikita kang mas magaling pa sa iyo na naka-8192. Pipilitin mo itong abutin pero hindi mo kaya. Move on na lang, friend.
  8. May mga pagkakataon na magkakamali ka talaga sa mga galaw mo na magiging dahilan ng pagkatalo mo.
  9. Gamitin ang mga pagkakamaling ito para 'wag na muling magkamali pa at para mas gumaling sa susunod.
  10. Laro ka ng laro. Daming nasasayang na oras. Maghugas ka na lang ng pinggan.

Maligayang bakasyon sa lahat!

Wednesday, March 26, 2014

Si Bro. Eli Soriano at ang Twitter

Isang bagay lang naman ang nasisiguro ko kaya ako nag-Twitter -- para i-follow si Bro. Eli Soriano at basahin ang mga makabuluhan niyang tweets at mga sagot sa mga tanong ng ating mga kababayan.

Maaari kang makapagtanong sa kaniya gamit ang Twitter. Maaari itong masagot nang personal ni Bro. Eli Soriano kapag nakahanap siya ng oras.

Sadyang maraming bagay ang matutunan sa pagbisita sa Twitter ni Bro. Eli Soriano. Sa katunayan, hindi lang tungkol sa Biblia, pananampalataya o kaya problemang espiritwal ang maaari mong ikonsulta.

Mula sa simpleng problema sa eskwela:



Hanggang sa problemang pangkalusugan, maaari mong malaman ang kasagutan:



Sa darating na ikapito ng Abril, ipagdiriwang ni Bro. Eli Soriano ang kaniyang ika-50 taon ng paglilingkod. Kaya naman, dagsa sa Twitter ang pagbati ng mga kapatid mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Kahit sobrang abala, narito ang mga mensahe ni Bro. Eli Soriano sa lahat ng mga bumati sa kaniya:



Hindi ba't nakatutuwang mabasa ang mga ganito? Tiyak na nakakalakas ng loob.

Hindi ka pa ba nakababati? I-follow mo lang si Bro. Eli Soriano (@BroEliSoriano) sa Twitter at batiin siya sa kaniyang kaarawan!



Friday, January 31, 2014

Bro. Eli Soriano: Ang tiwala natin ay palaging sa Dios

6:30 am na! Late na ako ng gising para sa 7 am class ko. Tulog ulit.

Maya-maya, ginising ako ng Tatay ko, "Joan, Joan, gising. May nasusunog diyan sa kapitbahay."

"Weh?"

"Bangon ka na. Dali!"

Pagbangon ko, silip agad ako sa bubungan. May gulay, ang usok na. Maya-maya pa, may apoy na nga at sobrang lapit na nito sa bahay namin.

Panic. Panic. Hindi alam ang gagawin. Gusto kong umiyak pero wala namang mangyayari.

Agad kaming nanikluhod at dumaing sa Dios. Gaya nga ng natutunan namin kay Bro. Eli Soriano, magtiwala tayo sa magagawa Niya.

Mula sa https://www.facebook.com/BroEliseoSoriano
Muntik na akong bumitaw sa pagkakataong nakita ko na ang apoy, malapit na malapit na talaga sa bahay namin. Ilang sandali na lamang ay maaaring mawalan na kami ng bahay at mga gamit.

Bubungan namin ang makikita kung saan nakatungtong ang bumbero at isang lalaki na kapitbahay naming nagmagandang-loob na tumulong. Larawan mula sa facebook page ni Ms. Cathy Legaspi Licuan.
Sa panahong ito, ramdam namin ang pagiging helpless. Umasa kami at nagtiwala nang buo sa magagawa ng Dios. Mangyari Nawa ang kalooban Niya.

Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na moog: tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas. - Kawikaan 18:10 

Sa awa't tulong ng Dios, hindi nagalaw ang bahay namin. Hindi kami nasunugan! Ngunit nakalulungkot pa rin dahil may may anim na bahay ang naapektuhan sa sunog na ito.

Pagkatapos na maapula ang sunog. Ito ang bahay na pinagmulan ng sunog. Katabing-bahay lang talaga namin. Larawang kuha ng aking kapatid na si Joseph.
Salamat nang marami sa Dios sa Kaniyang pagliligtas at makapangyarihang gawa. To God be the Glory!