Friday, January 31, 2014

Bro. Eli Soriano: Ang tiwala natin ay palaging sa Dios

6:30 am na! Late na ako ng gising para sa 7 am class ko. Tulog ulit.

Maya-maya, ginising ako ng Tatay ko, "Joan, Joan, gising. May nasusunog diyan sa kapitbahay."

"Weh?"

"Bangon ka na. Dali!"

Pagbangon ko, silip agad ako sa bubungan. May gulay, ang usok na. Maya-maya pa, may apoy na nga at sobrang lapit na nito sa bahay namin.

Panic. Panic. Hindi alam ang gagawin. Gusto kong umiyak pero wala namang mangyayari.

Agad kaming nanikluhod at dumaing sa Dios. Gaya nga ng natutunan namin kay Bro. Eli Soriano, magtiwala tayo sa magagawa Niya.

Mula sa https://www.facebook.com/BroEliseoSoriano
Muntik na akong bumitaw sa pagkakataong nakita ko na ang apoy, malapit na malapit na talaga sa bahay namin. Ilang sandali na lamang ay maaaring mawalan na kami ng bahay at mga gamit.

Bubungan namin ang makikita kung saan nakatungtong ang bumbero at isang lalaki na kapitbahay naming nagmagandang-loob na tumulong. Larawan mula sa facebook page ni Ms. Cathy Legaspi Licuan.
Sa panahong ito, ramdam namin ang pagiging helpless. Umasa kami at nagtiwala nang buo sa magagawa ng Dios. Mangyari Nawa ang kalooban Niya.

Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na moog: tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas. - Kawikaan 18:10 

Sa awa't tulong ng Dios, hindi nagalaw ang bahay namin. Hindi kami nasunugan! Ngunit nakalulungkot pa rin dahil may may anim na bahay ang naapektuhan sa sunog na ito.

Pagkatapos na maapula ang sunog. Ito ang bahay na pinagmulan ng sunog. Katabing-bahay lang talaga namin. Larawang kuha ng aking kapatid na si Joseph.
Salamat nang marami sa Dios sa Kaniyang pagliligtas at makapangyarihang gawa. To God be the Glory!