Tuesday, July 15, 2014

#NotoSofitel at #BoycottSofitelPH, trending sa Twitter

Nanawagan si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon kahapon, ika-14 ng Hulyo, sa programang Good Morning Kuya na 'wag nang pumunta sa Sofitel Manila dahil sa discrimination na ginawa nito sa UNTV 37.

Mahigit dalawampu't apat na oras nang trending sa Twitter ang mga hashtag na #NotoSofitel at #BoycottSofitelPH dahilan sa panawagang huwag tangkilikin ang Sofitel Manila.

Tinanggal ng management ng Sofitel sa kanilang program lineup ang UNTV at wala namang maayos na ibnigay na dahilan kung bakit nila ginawa ito.

2:39 ng hapon kahapon ay bumuhos ang mga hinaing at suporta ng mga Kasangbahay sa Twitter kaya nag-top sa Philippines Trends ang #NotoSofitel, pumangatlo naman ang #BoycottSofitelPH, at pumasok din sa pang-siyam na puwesto ang UNTV.


Mayroong tinatawag na "must carry" rule ang NTC sa lahat ng kasama sa UHF Channels kung saan kabilang ang UNTV. Kaya naman, hindi maaaring magdahilan ang Sofitel sa ginawa nilang aksyon. Isa itong uri ng discrimination dahil malinaw na may grupo silang pinaboran sa pagtanggal ng UNTV sa program listing.

Nabalitaan na ito ay naimpluwensiyahan ng isang religious organization kaya nila tinanggal ang UNTV.

Narito ang naging pahayag ni Kuya Daniel sa Good Morning Kuya:

Photo courtesy: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
"There are times na kailangan mo magsalita, kailangan mong sabihin ang karapatan mo. Hindi pwedeng lagi ka na lang magkikibit-balikat at magkakagat ng labi lalo na kung mayroon ng ibang mga taong naa-agrabyado." - Kuya Daniel Razon

Kaanlisabay nito ay tuluy-tuloy pa rin ang pagbaha ng tweets ng mga netizen dahil sa ginawang pang-aapi ng Sofitel.

Sustained boycott -- 'yan ang sigaw ng mga Kasangbahay hangga't hindi ibinabalik ng naturang hotel ang UNTV at mag-public apology sa ginawa nilang panghahamak sa istasyon.

No to discrimination. No to Sofitel.

Tuluy-tuloy lang ang pag-tweet na may kasamang hashtag na #NotoSofitel at #BoycottSofitelPH hangga't hindi pa umaaksyon ang management ng Sofitel sa pagkakamaling ginawa.


No comments:

Post a Comment