Sunday, July 20, 2014

Diskriminasyong ginawa ng Sofitel Manila, naiparating sa buong mundo

Nagtrend worldwide ang mga hashtag na #NotoSofitelDay7 at #BoycottSofitelPHDay7 noong Sabado, ika-19 ng Hulyo, bandang 9:20 ng gabi.

Mas dumami pa ang naging taga-suporta ng UNTV sa iba't ibang bahagi ng bansa at buong mundo dahil sa ginawang discrimination ng Sofitel Manila.


Basahin ang buong istorya rito: Sofitel Manila's Discrimination of UNTV Story Goes Viral, #NotoSofitel Trends Worldwide

Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya ang Kuya Daniel Razon dahil sa pagtanggal ng UNTV sa program listing ng kanilang hotel at dito nagsimula ang Boycott Sofitel campaign Day 1.


Hindi lang UNTV

Kaugnay nito, nagbahagi ng kaniyang sariling karanasan Doc Sarah Barba sa diskriminasyong naranasan sa Sofitel Manila. Ayon kay Doc Sarah, hindi pinapasok ang kaniyang mga katulong sa isang buffet dahil nakasuot ang mga ito ng scrub suit samantalang ang mga ibang lahi na nakasuot lang ng shorts at sleeveless ay welcome na welcome.



Isang linggo na ang nakalipas

Isang linggo na ang nakalipas, patuloy pa rin ang sigaw laban sa ginawang discrimination ng Sofitel Manila sa UNTV at sa iba pang mga indibidwal.

Hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon na ginagawa ang management ng Sofitel Manila.

Kaya naman tuluy-tuloy pa rin ang pagtu-tweet ng mga Kasangbahay laban sa discrimination. Ngayon ay nasa ikawalong araw na, #NotoSofitelDay8 #BoycottSofitelPHDay8.

No comments:

Post a Comment