Sunday, November 17, 2013

Yolanda Survivors na miyembro ng Ang Dating Daan, naghandog ng Pasalamat sa Dios

Naghandog ng pasalamat sa Dios ang Yolanda Survivors na mga miyembro sa Church of God International o mas kilala bilang Ang Dating Daan matapos makaranas ng pagliligtas ng Dios sa nakaraang pananalasa ng bagyong Yolanda (Haiyan) sa bansa.

Mula sa Visayas, partikular na sa Tacloban City, nagpunta ang ilang mga kapatid na Yolanda Survivors sa Apalit, Pampanga upang personal na ipahayag ang pagliligtas ng Dios sa kanilang pamilya. Ang iba naman ay naka-hook up sa monitoring centers sa Visayas Region. Sila ay naghandog ng awit papuri sa Dios.


 Nagpapahayag ng pagliligtas ng Dios ang mga kapatid sa Tacloban, Leyte noong ika-16 ng Nobyemre sa ADD Convention Center sa Apalit, Pampanga. (Photo courtesy: Rovic Balunsay of Photoville International)

Ayon kay Bro. Daniel Razon, Pangalawang Tagapangasiwang Pangkalahatan ng Members Church of God International (MCGI), maraming kani-kaniyang kuwento ng pagliligtas ang Yolanda Survivors at maganda itong gawan ng dokumentaryo upang ipaalam sa lahat ang pag-iingat ng Dios sa Kaniyang mga lingkod.

Kaugnay naman sa pangyayaring ito ay binalangkas ng Bro. Eliseo Soriano, Tagapangasiwang Pangkalahatan ng MCGI, ang paksang may kinalaman sa paggawa ng Dios sa Kaniyang bayan.

Damang-dama ang kaligayahan ng buong kapatiran nang malaman ang ilan sa mga kahanga-hangang kuwento ng Yolanda Survivors kung paano sila niligtas ng Dios.

Naging evacuation center ang Coordinating Centers ng Ang Dating Daan sa Kabisayaan sa kasagsagan ng bagyo. Pinatuloy dito ang mga kaanib, maging hindi mga kaanib. Nagbigay sa kanila ng relief goods ang kapatid na Eli Soriano at kapatid na Daniel Razon.

Sa kabila ng pagsubok at hirap na dinaranas, lubos pa ring nagpapasalamat sa Dios ang mga kapatid na Yolanda Survivors dahil ito ang natutunan nilang aral sa pagsasama-samang kanilang kinabibilangan.

No comments:

Post a Comment