Wednesday, November 20, 2013

Bread Society, nakiisa sa paggunita ng ikaapat na taong anibersaryo ng Maguindanao Massacre

Nakiisa ang mga miyembro ng Bible Readers Society International o Bread Society sa paggunita ng ikaapat na taong anibersaryo ng Maguindanao Massacre sa event na Pangalay: Isang Gabi ng Pagtatanghal at Pag-alala na ginanap sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon  (College of Mass Communication) sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman nitong nakaraang ika-15 ng Nobyembre, 2013.

Binuksan ng grupong Bible Readers Society Choir o Bread Choir ang programa sa pag-awit ng "In Jesus Name" bilang invocation at kasunod nito ang pambansang awit. 

Nagtanghal din ang mga iba't ibang grupo sa pamantasan ng performances tulad ng pagsayaw, pagtula, pag-awit, at pag-arte. Kasunod nito ay ang pagbibigay ng mensahe ng mga iba't ibang organisasyon at konseho sa unibersidad.


Ang Bread Choir habang nag-eensayo sa gagawing pagtatanghal. (Photo courtesy: Marlon Camacho)
Naghandog ang Bread Choir ng kilalang awit na "Balita" ng grupong Asin. Sa pagtatapos ng programa, kasabay ng pagsindi ng mga kandila, ay inawit nila ang "Lak'san Natin ang Ating Loob" at "Ikaw ang Patnubay," mga awiting orihinal sa Members Church of God International o mas kilala bilang Ang Dating Daan.

Matatandaang limampu't walo ang walang awang pinaslang noong ika-23 Nobyembre, taong 2010 sa kilalang Maguindanao Massacre. Tatlumpu't apat rito mga mamamahayag at apat sa kanila ay mula sa istasyong UNTV.

Makabuluhan ang gabing ito sa grupo dahil isa sa mga napaslang sa malagim na insidente ay miyembro ng Bread Society. 

Ang Bread Society ay isang non-sectarian organization na binuo nila Bro. Eliseo Soriano at Bro. Daniel Razon na may layuning himukin ang mga kabataan sa paaralan na magbasa ng Biblia.

No comments:

Post a Comment