Wednesday, December 4, 2013

Tarlac City Jail, lumahok sa nakaraang Ang Dating Daan Bible Exposition

Lumahok sa nakaraang Ang Dating Daan Bible Exposition ang mga taga-Tarlac City Jail noong ika-29 ng Nobyembre, Biyernes.

"Kami po ay nagpupunta sa mga bilangguan kasi naniniwala kaming hindi lahat ng nabibilanggo ay masamang tao," ayon kay Bro. Eliseo Soriano, ang host ng longest running religious program na Ang Dating Daan.

Dagdag pa ni Bro. Eliseo Soriano, "Hindi ibig sabihin na ang mga nabibilanggo ay wala ng pag-asa sa buhay."
Dalawang kababayan natin sa piitan ang nabigyan ng pagkakataon makapagtanong kay Bro. Eliseo Soriano. 

Pagkatapos ng dalawang nagtanong, nag-aanyaya ang kapatid na Eliseo Soriano sa mga taga-Tarlac City Jail na dumalo sa gaganaping Mass Indoctrination.

"Nag-aanyaya ako sa inyo diyan sa Tarlac Provincial Jail na mag-aral tayo ng aral ni Kristo."

Ang Ang Dating Daan Bible Exposition, sa pangunguna nila Bro. Eliseo Soriano at Bro. Daniel Razon, ay ginaganap sa bansa isang beses kada buwan. May ginaganap ding English, Spanish at Portuguese Bible Expositions para naman sa mga ibang lahi sa buong mundo.

Para sa iba pang updates tungkol sa naganap na Ang Dating Daan Bible Exposition, i-follow lamang sa Twitter ang @AngDatingDaanTV at @TheOldPathTV.

No comments:

Post a Comment