Wednesday, December 25, 2013

A Song of Praise (ASOP) Finals Night, idinaos matapos ang Pagpapasalamat ng Katawan

Ang A Song of Praise (ASOP) Finals Night ay idinaos matapos ang tatlong araw ng Pagpapasalamat ng Katawan ng Members Church of God International (MCGI) sa ADD Convention Center, Apalit, Pampanga nitong ika-24 ng Disyembre, araw ng Martes.

Nagwagi bilang Song of the Year 2013 ang song entry mula sa dibisyon ng EIA - Germany, ang "Salamat Amang Banal."

Ang naturang kompetisyon ay binubuo ng labing-isang praise song entries mula sa iba't ibang panig ng bansa at mundo.

Photo: Girlie Ann Arce facebook account
Inaabangan ang mga payo at karunungang maririnig mula kina Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel Razon upang lalong mapaganda pa ang komposisyon ng awit.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga nangyari sa event ay maaaring puntahan ang official Twitter account ng MCGI, ang @mcgidotorg.

Ang A Song of Praise (ASOP) ay isang bi-annual event ng MCGI. Sa kasalukuyan ay mapapanood ang ASOP TV sa UNTV 37 na ginawa para sa lahat ng composers na nais gumawa ng awit papuri anoman ang kinabibilangan nilang grupo ng pananampalataya.

No comments:

Post a Comment