Narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong matutunan sa paglalaro ng 2048 game:
- Kung malinaw sa iyo kung ano ang goal mo, kahit gaano man kahirap, makakarating ka rin sa pupuntahan mo.
- 'Yung feeling mo wala ng pag-asa, pero may iba pang paraan para ma-solve ang problema? Ang galing!
- Mahirap talaga sa umpisa pero 'wag lang agad susuko. Laban lang.
- 'Yung feeling na ang talino mo kasi nanalo ka at pinaghirapan mo talaga? Priceless!
- Kapag gusto mo, gagawin mo ang lahat para makamit ito.
- Magkakaroon ka ng kaibigan kasi pareho kayong tuwang-tuwa sa laro na ito at magkakaroon ka rin ng "kaaway" kasi nagpapagalingan kayo. Ang saya.
- Minsan, akala mo okay na pero may makikita kang mas magaling pa sa iyo na naka-8192. Pipilitin mo itong abutin pero hindi mo kaya. Move on na lang, friend.
- May mga pagkakataon na magkakamali ka talaga sa mga galaw mo na magiging dahilan ng pagkatalo mo.
- Gamitin ang mga pagkakamaling ito para 'wag na muling magkamali pa at para mas gumaling sa susunod.
- Laro ka ng laro. Daming nasasayang na oras. Maghugas ka na lang ng pinggan.
Maligayang bakasyon sa lahat!
No comments:
Post a Comment